Huwebes, Oktubre 1, 2015

Beware po tayo sa mga scammer kahit sa anong paraan nagagawa nilang manloko ng ibang tao.

I received a telephone call from a girl "Carla Santos" daw sya at taga Norion Corporation hinahanap ang may ari ng telephone. Sabi ko wala pong nagmamay-ari ng telephone na ito. nag insist talaga kun sino daw ang may-ari ng telephone, alam kong wala syang alam kung ano ang status ng land line namin kasi pilit nyang tinatanong at hinahanap ang possible na taong pwede nyang ma denggoy, sinagot ko nlng ng deretso na private office po ito para ma ipa alam sa kanya na wala syang taong pwedeng maloko sa linyang tinatawagan nya. Kaya nag end na din ang conversation namin na yun.

after 5 sec nag ring ulit yung phone, sya na naman... same introduction line.

OTHER LINE: "Ako po si Carla Santos ng Norion Corporation".

Napangiti tuloy ako, sabi ko sa isip ko lang ang kulet naman ng babaing ito, pero hinayaan ko nalang na tapusin nya lahat ng sasabihin nya.

ME: "Yes ma'am?"

OTHER LINE: "Magcecelebrate po ng 2nd year anniversary ang company namin at mamimigay po kmi ng free gadgets (daw) for 20 possible winners at dahil po out of 20 isa sa nabunot ay ang telephone number nyo."

ME: "Okay..."

Syempre nag iisip isip din ako habang nakikinig sa mga sinasabi nya. In the first place TOO GOOD TO BE TRUE TALAGA ANG MANALO NA WALA KANG SINALIHANG ANO MANG PALIGSAHAN!

OTHER LINE: Ibibigay ko po sa inyo ang CODE para e present nyo po sa claiming area namin.

Hinayaan ko lang talaga syang magsalita, inaalam ko din kung ano talaga ang kahihinatnan ng usapang ito.

ME: "Okay..."

OTHER LINE: "Ang CODE po is M1191T, magdala lang po kayo ng 1 valid ID at e present nyo po itong CODE para ma claim nyo po ang prize na nakuha nyo. Pumunta po kayo sa UNIVOX ENT."

ME: "Saan po iyun?"

OTHER LINE: "Bale nasa Ground floor ng Maryville Building sa Mary Mart Mall, Alam nyo po ba ang Mary Mart Mall?"

ME: "Opo."

OTHER LINE: "Hanapin po ninyo si Ma'am Rose Betin para makuha nyo po ang prize nyo."

ME: "Ahh.. Ok. Ano nga po ulit ang name ng Company nyo?"

OTHER LINE: "Norion Corporation po."

ME: "Saan po ba ang Address nito?"

OTHER LINE: "Nasa Zobel Roxas St., Makati po kami at meron po kaming claiming office dyan sa Iloilo, yan po ang UNIVOX ENT."

ME: "Ahh.. Ok."

Para lang ba sige2 lang syang magsalita, na para bang okay lang talaga ako.

OTHER LINE: "Pumunta lang po kayo dun at ibigay nyo po ang CODE na ibinigay ko sa inyo at ang tumawag sa inyo ay si CARLA SANTOS. pakibigay nlng po doon sa kanila.

ME: "Ahh ok po.Thank you!"

At natapos din ang conversation naming iyon. Nagtaka ako, papano yun?? so nag GOOGLE agad ang lola para mka kuha ng IDEA.At nakita ko nga na SCAM pala iyun. Ipapakalat ko na rin to at ma aware naman ang iba para matigil na tong modus na to or at least mag-isip sila ng ibang method.